Thursday, May 03, 2007
1.Gusto mo ba ang mahabang
biyahe?
- pwede kasi walang tatalo sa tulog na naeexperience ko habang gumagalaw ang kotse.
2. Natutuwa ka ba kapag umiinom ka ng
beer?
- oo noon pero dahil lumevel up na ang aking alcohol drinking prowess, hard na ang gusto ko.
3. Anong nararamdaman mo kapag walang
nagtetext sa'yo sa loob ng isang araw?
- noon di ako nalulungkot kase tipid sa load yun chaka walang inaabangan, pero ngayon e napepeste ako kase marapat lang na tineteks niya ako tapos nag-aabang ako na di ko naman ginagawa dati.
4. Anong volume ng ringing tone mo?
- ewan basta yung pnakamataas.
5. Naisipan mo na bang pumunta ng dagat
at lumangoy nang hubo't hubad?
- hindi at ayaw kong gawin un dahil hindi hygienic un.
6. Nagawa mo na ba?
- hindi pa nga e
7. Naisipan mo na bang tumalon sa
falls?
- di pa pero sana masubukan haha
8. Kung oo, ilang beses mo gustong
gawin?
- minsan lang, baka pag minalas ikamatay ko pa hehe
9. Ano ang weird para sa'yo?
- pag hindi ko maexplain ang nararamdaman ko.
10. Kumportable ka ba kapag napapansin
ng mga tao na gumaganda ka o gumagwapo
ka?
- hindi kasi pakiramdam ko di naman ako kagandahan. (oo kahit minsan ipinangangalandakan ko pero ung mga nakakakilala sakin alam naman na nagpapatawa lang ako pag ginagawa ko yun.) insecure ako mehn.
11. Kapag naglalakad ka, tumitingin ka
ba sa mukha ng mga nakakasalubong mo?
- shempre pag may ichura ung nakasalubong ko oo.
12. Nakatungo ka bang maglakad?
- hindi
13. Kapag tumitingin ka sa malayo,
gumugulo ba utak mo?
- hindi naman. tumitingin ako sa malayo pag malungkot ako.
14. Kapag naliligo ka ba, ginagamit mo
rin sa pagpaligo mo ang kamay mo?
- shempre, anong gagamitin ko kamay ng iba?YON HAHAHA
15. Kung yayakapin ka, san mo gustong
ilagay yung kamay nung yayakap sau, sa
leeg o sa waist?
- haha ewan ko. sa waist nalang.
16. Kapag pumapalakpak ka, anong
hinlalaki ang nasa ibabaw, kanan o
kaliwa?
- none of the above
17. Minsan ba pakiramdam mo di ka
naiintindihan ng mga tao sa paligid mo?
- oo
18. Kapag nasa jeep ka, tinitignan mo
ba yung mga kili-kili ng mga nakataas
ang kamay?
-hahaha minsan
19. oi, san na ung question #19?
- malay ko
20. Kapag nakaupo ka, mas gusto mo bang
nakabukaka o nakatikom ang mga hita mo?
- nakatikom! demure e.HAHA
21. Itataas mo ba ang mga paa mo kung
sa fastfood o restaurant ka kakain?
- hindi, ano ko, walang manners?
22. Kung libre ang load, mas gusto mo
bang magtext o tumawag?
- tumawag kase pag kausap mo talaga damang dama e.
23. Kapag natutulog ka, gusto mo ba sa
tabi ng pader o hindi?
- kahit alin, basta tulog tulog. hahaha
24. Kapag umaakyat ka ng jeep, anong
paa ang una?
- kanan
(10:27 AM)