Friday, November 30, 2007

kanina, naglalakad ako sa toy section ng landmark. naalala ko lang dati na favorite namin ni kuya ang power rangers. sha si green ranger/white ranger at ako si yellow ranger. si tommy pa si green ranger nun tapos si yellow si trini. nakakainis kasi ang baduy na ng power rangers ngayon.

tapos nainggit ako kase ung mga laruan nung panahon ko, cooking set, barbie at make-up set lang. ngayon, puros digital na. wala lang parang feeling ko lang, the kids of this generation won't get to use their imagination as much we did back in our day. (haha feeling matanda. oo kadire, officially matanda nako kasi magtutwenty-one nako next year. tapos part nako ng work force. eww.

tapos ang mahal na ng barbie. nung panahon ko, ung barbie nagrerange lang sa 150-500. that's it. right now, barbie dolls cost 500-up. OA noh. tapos may bratz na. pati doggies na stuffed, ginawa nang parang totoo. pag pi-nat mo ung ulo, umuungol. para akong sira kanina, aliw na aliw. nung araw kase totoong aso lang ang umuungol.

---

kanina naman nung asa divi kami ni tayag, nag-away kami. kase dinala ko sha dun sa bilihan ng mga adidas, nike and etc. export over runs. siguro mga 30 minutes na shang namimili, nagsusukat at nagpapabalik balik ng jacket. ihing-ihi nako. ilang beses nako nagsuggest ng maganda pero di sha makapagdecide. e naiinis nako nagmura nako. parang sabi ko, "e putangina naman ilan na ung nasukat mo, ilan na yung binalik mo di ka parin nakakapili? talo mo pako e." tapos ung ate na nagbabantay natawa lang. nagjoke pako na nageeksena nako. di ko naman minimean na murahin sha. inis na inis na lang ako nun kase naghahabol kami sa oras e tapos ang arte arte pa niya. anyway nung nakabili na sha, umalis na kame tapos inaway niya ako habang naglalakad. ayaw daw niya ung inasal ko. di daw ok un. ang ingay ingay ko daw nagmura pako. baka isipin daw ng mga tao wala akong breeding. sa totoo lang, wala akong pakialam sa sasabihin ng iba. ano bang pakialam nila kung magwala ako dun e di ko naman sila kilala. di ko naman sila makikita ulet. anyway, naisip ko lang, barubal akong tao kasi puro lalake mga kapatid ako. sanay akong makipag-away kaya kung iniisip niya dati na mahinhin ako, nagkamali sha kasi hinde. pero bati na naman kami. kaya lang ako kase nagalboroto dahil ihing-ihi nako.

naisip ko, anlaki tlga nung epekto ng pagiging only girl. parang sanay na sanay nako sa bakbakan. sa pagkakatanda ko, eto lang yung mga panahon na napa-iyak ako ng mga kapatid ko. una, sinapak ako ng kuya ko, umiyak ako tapos nagkablack eye ako. yung pangalawa, si rico, binaril ako ng automatic na payong sa mata. yun lang yun. umiiyak man ako, dahil lang sa nanay at tatay ko yun. pati yung mga gusto ko dati, pang boys hehe. minsan tuloy namimiss ko kabataan ko. one of the boys ako dati e. haha

sige na nga gagawa nako ulet ng painting. ay text twist muna hahaha.


the world watches. i like black. black looks good...............my name is rain. i love you boyfriend.hahahaha

(8:52 PM)