Saturday, January 30, 2010

nakakatawa lang. for some reason i just came across this and realized na namiss ko magsulat. pinabasa ko nga din kay pao yung ibang excerpts ng nasulat ko at natawa sha kase nagsusulat pala ako tapos yung dating e parang kausap ko lang yung sarili ko.

haha actually that's the whole essence of it. i used to do that a lot, na kapag gusto ko magkwento at di pa ako ready magkwento sa iba, dito muna ako magsusulat. but for some reason, i just stopped writing. don't really know if that's a good thing or what. siguro kasi i already have pao, na i can talk to about anything. minsan ko na kasi naisip na di ko na kayang magmaintain nito kase busy nako mashado. chaka bawal din sa office. pero siguro ngayon nararamdaman ko na ulet. kase mejo magulo lang dito sa bahay ngayon, (on my part) kaya wala lang talaga ako makausap. ewan.

sabi ko na nga ba, darating ung araw na babalikan ko din to. pero sana hindi na ulet. at sana hindi ko na kailanganin. i know life is going to be okay again. it just sucks that it's taking too long to happen.

on a lighter note, si mikka din pala binalikan ung kanya hehe. natawa lang ako kase nadiscover ko lang dahil bumalik ako dito. haha oo lahat siguro ng malungkot bumabalik sa pagsusulat lalo na kung walang makausap. :P





magiging okay din lahat. at sinasabi ko yan with conviction.

(5:26 PM)


Tuesday, September 08, 2009

hmm.. so far, pagkatapos ng matinding unos (so feeling ko un na ung pinakamatinding pagdadaanan namin?) e masaya na din kami sa wakas ng aking trulalu. e yan happy and gay na kami ulit kasi naayos na niya lahat ng gusot. shempre di parin kami makapag-out as much as we want to kase di pa ready ang mundo na kami na pero so far masaya naman kami. sa office naman okay din kami. sila ready na kase nawitness nila nung namumuo palang ang romance hehe. nakakainis lang kase kinocompare kami kay dads dahil legacy daw ata niya talaga un haha. e yun sabi ko iba naman ang case namin. may similarities pero magkaiba parin... but im still hoping for the best. optimistic naman ako. alam kong kahit magulo yung pinagmulan ng relationship namin ni paopao e magiging okay din someday. alam ko balang araw e magiging ready ang mundo para samin. well yung mundo niya in particular kase sa mundo ko e okay naman. pero basta, love kita ha. kaya natin to. yey!

at sa kanya na humusga sa akin na di naman niya talaga ako kilala at nakasama.. sana pag-isipan mo yung mga pinagsasabi mo sakin kase di naman tayo magkakilala. entitled kang magalit sakin pero wala kang karapatan na tawagin ako ng kung ano ano kasi di kita kaibigan at di mo ako naging kaibigan ever. i know i've said stuff about people out of anger or just because i really can't keep my mouth shut. but for the record, because i do not know a thing about you, i never said anything. and even to this day, i will not say anything bad about you because i don't know you. magalit ka kung gusto mo, binibigay ko na sayo yan.


cheers to my new love. alabyoo my cheesy boy. :)

(12:31 AM)


Sunday, August 30, 2009

akala ko pag nagchop ako ng sibuyas maiiyak ako. pero sa dami ng beses na nagchop ako ng sibuyas, ngayon lang ako di naiyak kung kelan gustong gusto ko nang umiyak.

i want to have faith in you.. there's a big difference between "i want to" and "i have". but i love you kaya nagtitiwala ako sayo. so go make the right choice.

i hate pms. i hate ex-girlfriends the most.

(11:09 PM)


Saturday, August 29, 2009

im no longer single and ready to mingle. but it feels good.

--yey aylabyoo mi paopao. :)

(10:42 PM)


Saturday, August 15, 2009

lahat ng bagay na sinabi nila saking magiging mahirap, unti unti ko nang nararamdaman. ang hirap pala pag tinatanong ka ng mga tao kung ano bang meron tapos hindi mo naman masagot. nakakainis kase alam niyo naman kung anong meron. di lang maipress release kase di pa final, di pa official. ang hirap kase di naman ako dapat naghihintay, dapat sha. pero tinitiis ko na muna kase gusto ko maging maayos. un lang naman na ang kulang e, 3 little words, 8 letters. pati yung title na "kami" at "kayo." ayoko maparanoid dahil pinasok ko narin lang, paninindigan ko na. ang hirap niya kasing basahin e. for a while, feeling ko gustong gusto niya ako. pero netong last few days, parang nagkakagap. ang scary. may investment nako ng feelings kaya takot na takot ako. tae naman kase.

ayoko ng ganito. kasama lang kita kanina pero ngayon di na kita maramdaman.


sana tulog ka lang..

(8:33 PM)


Sunday, August 09, 2009

alas, i am still alive.

quick update. (as if anyone needs to be updated. hehe) i am in like and dating. but that's not the twist. im saving that for some time in the future more appropriate to announce it. nandito nako sa sitwasyon nato dati, un nga lang dati, ako ung mabait hehe. ewan pota. im happy, he's happy, who cares. well a bunch of people. di ko na alam. im just going with the flow. we can't fight the feeling anymore hehe.


the happy part: my friends like him. we went out already. benta sha.


plus factor: cancer sha. i get along with cancer people very well. hehehehe:P



sana may good thing na magbunga sa bagay na to. it's been a while. feels good to be taken care of.

(8:06 PM)


Monday, July 20, 2009

yung 50 pesos, pinangtaxi ko nalang sana.
o kaya pinangmerienda ko bukas.
o kaya pinambili ko ng isang kahang sigarilyo.
o kaya ng isang 1.5 na coke.
o nagpaload nalang sana kay chona.
o pinang-fx ko bukas.
tinabi ko nalang sana para may pera pako ngayon.

pero pinautang ko sa kanya para may pamasahe sha dahil magkikita sila ng girlfriend niya.


pak pak pak!

(10:16 PM)


Sunday, July 19, 2009

i want a man,who wants me to be his woman ,not the other woman -- maricar reyes

sa diwa ng mga pinagdadaanan kong pagdaramdam ngayon, naisip ko yang linya na yan. hehe. tae kase. andaming nakakainis ngayon. fart.

(3:55 PM)


Saturday, June 13, 2009

sana kinalimutan nalang niya ako nung di pa sila break para ngayon na break na sila, sakin sha humihinga ng sama ng loob. yak. bwisit namaaaaaaaaaan. ewan leche. basta andito ako pag kailangan ako. ang bilis lang ng turnout ng events. friday ako ang shoulder to cry on. ngayon ako ang nag-aantay iyakan. kadiri. ang emo ko pota.


sinong may sabing masaya maging single at ready to mingle? hindi ren!

(10:41 AM)


Wednesday, June 03, 2009

dati sabi ko, di ko na sha maramdaman. ngayon, om em gee, ramdam na ramdam ko sha. friend ano kaya ito. shet.

(8:50 PM)


Wednesday, April 15, 2009

ayokong maging emo kase feeling ko hormones lang to pero nababadtrip talaga ako ngayon. this day is turning out to be crappier than it already is. di ko alam kung kelan mageend tong streak of bad luck na nagstart since march. it's affecting my mojo. miss na miss ko na ung dati kong boss. i now have a personal experience in connection with the black sphinx (matagal ko nang alam ang true colors niya pero ngayon ko lang napatunayan ang mga kwento sakin kasi naranasan ko na din.) nakakapikon na. im having second thoughts about staying for more than a year. it took time for me to realize because i really have so much work right now. im putting so much effort in what im doing pero di ako properly compensated. ewan ko puta. ayoko munang sanang isipin yan kase mejo fresh pa ung last issue kaya lang mejo marami din akong narealize dahil sa pakikipagkwentuhan ko sa mama ko. ewan ko. iisipin ko nalang ulet.

screw this time of the year. guess my birthday won't be too happy this year. no money na nga, no honey pa!

(10:56 PM)


Thursday, April 09, 2009

di ko alam kung bakit pero di ko na sha nararamdaman lately. oa lang ako. nung saturday ko sha huling naramdaman. ung mga text ko nung tuesday, di ko na sha talaga naramdaman. di ko alam kung anong meron pero unusual lang kasi na di sha nagrereply. madalas enthusiastic pa si loko kung sumagot. eto talaga zero na. kadiri pero mula nung tuesday, antay ako ng antay na mangamusta sha pero wala tlga. not that it's a big deal. binawalan ba? hehe ewan. namiss ko lang. echoserang frog!!! hahaha wala lang. bakit ganun. dati kasi araw-araw. pati nga linggo e. tas biglang wala na. haha di ko din mashadong sinestress out e no.

i guess this is the price i should pay for liking someone who's attached. ang tangaaaaaaa... hahaha brad kase ako. pang pards lang talaga. o well papel, ok na nga. tignan natin sa pagresume ng trabaho. busy-busyhan nalang ako sa pag nood ng 7th heaven marathon.

sabi nga ni toni at ni sam, "coz we've got the best of romances, deserve second chances, i'll get to you somehow, coz i promise now..." ang korny ko punyeta hahaha. e yon basta kunyari lang yan. kahit may girlfriend sha, sa mac ko parin sha babalik at magtatrabaho wahahahaha.

matutulog na nga ako. ang korny ko na. huwebes santo pa naman. bukas magdedecorate nanaman ng karosa. HAY NAKO KUYA, pag tusukan ng bulaklak sa karosa, nawawala ka. hehehe

(9:56 PM)



nakita ko na ung ahensyang gumawa ng copy ng burger king. dahil dito, naengganyo akong mag-update ng resume. pero hati ang puso ko. parang gsto ko mag-apply kase may opening sila ng artist na hindi kase di ko ata kayang iwanan ang aking trabaho ngayon. na-attach nako at kumportable na. nakakaengganyo tlga kase sa ortigas lang at mas may creative freedom doon. leche kase. sana lumevel up nako sa pagcocolor correct. minsan kasi nakakasawa na din. fun parin sha pag may bagong promo pero pag yun at yun lang din at inaabot ka pa ng 4am kakacolor correct, nakakasawa din. ayoko na tuloy kumain ng fries ng mcdo. di bale pag-iisipan ko.

confused!

(9:37 PM)


Sunday, March 29, 2009

nakakaasar. ang korny pero im seriously confused right now. nagkwento ako kay maan. after a long time ngayon lang kami nakapagkwentuhan ulet. anyway, sabi niya sakin, maaaring naoverwhelm lang ako. wish ko na sana ganun nalang talaga. wala naman akong nafifeel na awkwardness samin ngayon. it's just on my part. it's like i have to pretend to be this supportive friend and adviser to him. tapos nakikinig lang ako sa mga kwento niya when in fact nasasaktan siguro ako in a way kase parang love na love niya si girlfriend. kaasar. eto ung mga ayokong pwesto e. sana nalang single nalang sha tas di lang niya ako type ano. ayoko tlga ng may competition. mukhang may competition na nga sa office, sa totoong buhay meron parin tlga. leklek. sige na nga next time ulet. naiinis lang siguro ako ngayon.

(6:40 PM)


Thursday, March 26, 2009

sa supposedly 2nd year anniv namin ni kabayan, narealize ko na meron na akong totoong napupusuan ulit. ang korny. ayoko na sana magkwento kaya lang nagboys night out ang mga boys kaya wala akong mapagbuntunan ng ka-emohan. e yon kasama sha sa boys night out na yan. ok lang naman. keber ko naman kung sumama sha e di naman ako ang jowa niya. wishaloo ko lang e ako yun pero hinde, hinde, hinde! (gusto kong maging bading ngayon kaya sige, ATTACK!) so ayun, nawindang lang ako kase sa buong pag-aakala ko e ako lang ang nagtatago ng ipinagbabawal na damdamin sa opisina, meron pa palang iba. ang pogi niya ngayon grabe, dumadami ang fans niya. di naman sa sobra sha sa kapogian. ok lang naman sha, pero ubod lang tlga sha ng bait at may nakakatuwang sense of humor. may personality sha di katulad ni kabayan na ang korny korny. sha, kahit sa lowest of lows ko e nagagawa niya ako mapatawa. sa mga SD moments ko at burahan ng files moments ko, sha lang ang nakapaguplift ng spirit ko. pina-cheeseburger pa niya ako dahil nakita niyang malungkot ako. pero ang bottomline, kasalukuyan shang may girlfriend. ayoko naman maging anay ano. di ako sanay na ako ung anay. kadalasan ung relasyon ko ang inaanay. anyway, on the rocks sila ngayon. sa totoo lang, opening un, pero di ako ung ganung klase ng tao. kasi kung ako ang nasa lugar nung babae, unfair sakin un kung may eeksenang iba. anyway, we get a long a lot. most of the time, we go to work together, and we go home together. wala namang dull moment kasi laging maganda ang usapan. kahit pagod kami pareho ok naman. we joke around a lot kaya masaya lagi ang atmosphere. narealize ko lang siguro na may iba nung tumagal ung asaran namin na ako at ung isang kawork pa ang chix niya sa office, sinasakyan naman niya. parang ung mga pasweet na joke namin sa kanya, ung akin nagiging totoo na. ANG KORNY POTA. e yun. nakakainis bwisit. bumababa nanaman ung self esteem ko kase parang wala namang kapupuntahan ung ganito. huhu. matutulog na nga ako ng may mapala naman ako sa pag-uwi ko ng maaga. mikka we need to talk hehe.



As you fall
Over me
Think of me
Think of me
Think of me
Only me
Kiss the rain
Whenever you need me
Kiss the rain
Whenever Im gone too long
If your lips
Feel hungry and tempted
Kiss the rain
And wait for the dawn
Keep in mind
Were under the same sky
And the nights
As empty for me as for you
If you feel you cant wait till morning
Kiss the rain

(10:01 PM)


Wednesday, March 25, 2009

may bago nakong pag-ibig pero ako ay malungkot. :(

masokista to the highest level of martyrdom.

(11:49 PM)


Monday, March 09, 2009

magsusulat lang ako kase na-e-emo nanaman ako. tae naman kase.

life has been busy for me lately. busy tlga most of the time but i get by naman. so far okay ang lahat. mejo kulang sa social life pero napupunan ng bonding moments with the workmates. were all okay. para kaming isang malaking barkada. we're all basically from the same generation so walang gap of some sort. we all laugh at the same things. as in parepareho kami ng humor kaya ok din. i get to hang out with everyone too. wala nang hiyaan. hello naman mage-eight months nako sa 22 no kaya malamang balahura nadin ako just like everybody else.

naiinis lang ako kase i remember saying i like someone at work (for the simple reason na naaaliw ako sa kanya. nakakatawa kasi sha at masaya kasama. other than that wala na. petty crush lang talaga.) e yun right now i still like someone at work, but he's not the same person i was talking about. nababaitan kasi ako at natatawa ako sakanya. ok ang weird kasi it's not supposed to be worth talking about kasi wala lang naman un. IM JUST FREAKING OUT kase we joke around about it kunyari may mga selos factor and all tapos may close friend ako sa work na bumabati kesho half meant daw. e di nawindang ang lola mo kase joke time lang naman un. as in! na kahit naman gsto ko sha joke time lang tlga un. siguro naman natuto nako sa mga nangyari sa nakaraan. nag-ffreak out lang ako kase sa gantong kaso laging ako ung nauunang naiilang hahahaha. kaya lang kase pucha naman lagi ko kasama un e kaya nawiwindang tlga ako. ang gross parang college lang pero nangyayari parin pala ang mga ganire. leche tlga. ewan. ipagdadasal ko nalang ito sa pagtulog ko, baka sakaling bukas, mawala na ang ilang factor na nararamdaman ko.

----

im glad to be part of history. nakanood ako ng Final Set ng eraserheads last saturday and i had a blast. ang galing galing kase kala ko bronze lang ako tapos naging silver without paying a single cent. swerte ko nasa mcdo ako. love ko to talaga! hehe e yun bukas nako or next time nako magkukuwento kasi ninanamnam ko pa ang moment hehe.

Kailan ako lalaya sa anino ng pag-iisa?
Mga rehas lang ang tanaw.
Nanginginig sa seldang maginaw.

(9:17 PM)


Saturday, February 14, 2009

Nakakatawa pero eto ung unang valentines na di ko naramdaman. di ako nagpapakaipokreta ngayon kase sa totoo lang, kebs lang tlga. binigyan ako ng papa ko ng rose, i bought a cake for everyone and that was it. tingin ko kasi ang gulo ng valentines day namin last year. nag-aaway ung mga magulang ko non tapos on the rocks na kami ni kabayan nun. parang a week after nagbreak na tlga kami ng tuluyan. haha chaka every year naman e kuya ko lang at tatay ko ang nagbibigay sakin ng bulaklak. katawa nga e, bati na kami tlga ng papa ko. the flower sealed the deal.

kahapon last day na ni dads. pero kahit na ganun at inuudyok nila akong chumansing ng hug, di ko ginawa kase nahiya ako wahaha. pero nakakalungkot kase un na un. pagpasok ko sa lunes, wala na sha sa pwesto niya. wala nang magsasalo sa kabanuan ko. iniwan na din niya sakin ung mga installer ng mac. sana kayanin ko ang hamon ng aking trabaho at ang hamon ng kadiliman sa itaas hehe.

happy aorta's day.--jakpat ang lola mo kahit walang valentine. :P

he's got that look in his eye that makes me want to die. ANG BADUY NEXT TIME KO NA IKUKUWENTO KUNG ANO YAN HAHAHAHA.

(9:01 PM)


Sunday, February 01, 2009

sabi ko nung new year, iffree ko na ang sarili ko sa lahat ng tungkol sa kanya. congrats sa akin dahil mula nung wednesday last week, kinalimutan ko na tlga sha. bwisit kase sha. lhat na ng kaepalan niya pinairal niya sakin. tinitiis ko pa pero di ko na matiis. di ko naman tinatanong kung may bago na shang nililigawan, sinabi parin niya. at eto un, in a manner na feeling niya nanaman e sobrang pogi nanaman niya. bwisit tlga. it's not about me being affected by the ligaw thing, naepalan lang ako tlga ng sobra. kase madami akong kaibigan na pogi pero di naman sila ganyang ka-feeling no! kamusta naman at tinalo pa niya si jet pogi. hay ewan ko saknya. ako nakapagmove on na kase may bago nakong iniispatan haha. sisilip lang ako sa likod ng monitor ko, jakpat na kagad hahaha.

natatawa ako kase merong ugok na nagkakalat ng unprofessional ako at magaling magtago ng aking totoong sarili. katrabaho ko daw sha dati so she should know. ang nakakatawa dun, sa dati kong trabaho e ako lang ang graphic artist. pano naman niya masasabi na nakatrabaho niya ako dati. at pano naman ako naging unprofessional. inalok nga ako ng renewal e dun sa dati kong pinagtatrabahuhan. ako pa ung tumanggi kase gsto ko na lumipat sa iba na better ang opportunities. at kung unprofessional ako, e di sana di ako naregular diba. ayoko sana magpaapekto kase mas kilala naman ako ng mga katrabaho ko kesa sa isang tao na di naman nila alam kung ano ang katauhan. kahit ako di ko sigurado kung sino sha. anyway, madami akong ginagawa sa opisina kaya di ko na din magagawang pagtuunan un ng pansin. kelngan pa namin paghandaan ang pag-alis ni papa lui kase baka mawindang kami pag umalis na sha. kelngan magstep-up at maging responsible.

narealize ko na kahit napapagod ako physically and emotionally, mahal ko ang trabaho ko at gusto ko ang ginagawa ko. sana masaya din sila sa serbisyo ko. :)

(6:42 PM)


Thursday, January 22, 2009

dahil medyo maluwag ang araw ko... nagbasa ako ng past entries. i read them all, corny man o seryoso. actually i found the entries quite entertaining. talaga palang na-keep track ko ung relationship namin dati ni kabayan through my entries. nakakatawa lang. ngayon wala naring sense ung mag sinusulat ko. medyo napagod na din siguro ako magkwento kasi sobrang busy ko na, o kaya wala naman tlgang significant na nangyayari sakin lately. well except ung pagiging regular ko at pagresign ng aking pinakamamahal kong boss. anyway, im still hoping makakapagsulat ako kapag may dinaramdam ako. ngayon kasi keribels nalang hehe.

cheers to more kwentos and experiences. :)

(9:24 PM)


Thursday, January 15, 2009

"Cause I try and try to walk away,
But I know this crush ain't goin away..."

Chorva ka! umeelectricity na. the feeling is quite funny. after 11 months of being indifferent, nakakita ako ng unlikely crush. di ako makaisip ng perfect code name. charlie nalang hahaha. (kase may kinakanta kami na charlie ang kumakanta. basta sikret haha.) di ko naman sha tlga ideal crush although nung college, hearthrob tlga sha sa school. ironic diba. ayoko kasi nung mga ganun kase feeling ko agawin o kaya chickboy. basta pareho shang ganyan hahaha. anyway, crush ko lang sha kase he kind of entertains me. ang highschool e no, crush tlga. it's just fun feeling this way after a long time. my day was supposed to end up sucky but then, I realized na may crush na tlga ako after a long time. naging bright and sunny na ang araw ko kahit gabi na. sabay pa kami umuwi hehe.^_^

jackpot ang lola. may kukuwento pako bukas. hahaha kaya bukas na hehe.

(9:50 PM)