Wednesday, December 13, 2006
if there was a thing such as tagalog emo...eto na yon.
ewan tae, etong mga nakaraang araw ko na talagang lubusang narerealize na malungkot nga talagang umuwi ng nag-iisa, na malungkot na hanggang ispat ka lang talaga sa crush mo, na one in a million lang talaga yung mga taong liligawan ka at mamahalin ka.
lekat kahit walang naniniwala sakin, oo sawa na talaga ako sa kakaispat kay apo. sawa nakong umasa na sasabayan niya ako pauwi, na sasagutin niya ang aking pasimpleng mga tingin. nakakasawa dahil yung mga ganitong bagay, pinaparamdam niya na wala talagang pag-asa na masuklian kahit barya lang.
minsan iniisip ko lang talaga, alam ba niya na:
- inaantay ko sha ng mga 15 minutes sa sakayan dahil baka sakaling magkapuso sha at sabayan ako pauwi
- o sige, kahit di niya ako sabayan, basta makita ko lang sha sa sakayan ay okay nako
- nahihiya parin ako sa kanya
<>> - <>sumasakit na ung ulo ko kakaispat sa kanya sa peripheral vision ko>
- napapanaginipan ko sha kung di minsan ay madalas
- di kumpleto ung araw ko kapag di ko sha nakikita
- umaasa akong magkakaroon ng pagkakataon na mag-usap kami
- pinagtatanggol ko siya kapag may sinasabi ang ibang tao tungkol sa kanya
- umaasa parin ako na magkakaroon sha ng pagtingin sakin
- nagpapansin nako to the highest level pero di parin niya ako pinapansin
- feeling ko di niya ako mahal dahil di niya ako in-add sa ym.(oo nagpapatawa nalang ako neto)
- ang laking bagay na sakin kapag natatawa sha sa kwento ko
- pinapanood ko sha pag natutulog sha
- sumasaya ako pag ngumingiti sha
- umaasa parin ako na mahuhuli ko rin shang tumitingin sakin kahit alam kong di sha titingin sakin
- alam kong kahit duguan nako sa tabi ng kalye e di parin niya ako pupulutin
- di ako bumigay kay tayag kasi siya ang nasa puso ko
- nagbublush ako kapag inaasar kami na nangyayari lang kapag gusto ko talaga ung tao
- labs ang tawag ko sa kanya kapag nakatalikod sha
- putanginang sobrang korny ko na dahil sa mga pinagsasabi ko
eto para fair naman sa puso ko, bibigyan ko yung sarili ko hanggang december 31, 2006. kapag sa december 31, 2006 e malamig ka parin sakin, putres ayoko na talaga. pangangatawanan ko na na nagsasawa na nga talaga ako sayo at di na kita kailangan pang pagbuhusan ng lihim na pagtingin. ngayon palang ayoko na pero alam kong pag nagdesisyon ako ngayon na ayaw ko na sayo e siguradong bukas okay nanaman ako tapos labs no ulet kita.
kung tutuusin, di naman ako pangit a.--gari, lanlan, jenna, espi, at iba pang mga nilalang na nagsabi ng linyang ito ng walang pakundangan. pero nakakataka lang na nagiisa parin ako hanggang ngayon.
ok lang. tama na nga. gusto ko lang talaga magsulat. ayos tong blog na to e. kapag naaalala ko lang na meron ako neto chaka ako nagsusulat dito. hehe kasi ako mismo, minsan hindi mahanap ung blog nato.
shet may fireworks nanaman sa paskuhan. yung fireworks kaya ngayon e magiging mas special kesa dun sa ibang fireworks na napanood ko na? im sure you know what i mean...
(8:17 PM)