Thursday, November 22, 2007

i just came home from 4th door. we finished painting the wall. natutuwa ako kasi unti unti nang nabubuo ang exhibit namin.

nag-away kami ni boyfriend kasi ang arte niya. mahabang storya pero ang highlight, after several months of pent up emotions, umiyak ako ng major iyak. di ko na napigilan kasi super napikon ako. aside from our fight, naapektohan ako sa tatay ko kase sinasabi niyang inuuna ko ang pagpipinta kesa sa advertising. mejo aggravated nako nung tinext ako ng tatay ko to remind me na my course is not painting but advertising. naiinis ako sa tatay ko kase alam kong ang baba ng tingin niya sa mga nagpipinta. feeling siguro niya na di ko dapat pagtuunan ng pansin un kasi di sha naiimpress. that's one of the reasons why i love my mom more. my mom may have wanted me to be something else but she appreciates what i can do. minsan mahirap shang iplease pero alam niya yung kakayahan ko kaya lang sha ganun. my dad doesn't know what i want. he doesn't even know i can paint well, can edit videos and do animation. madami akong kayang gawin na hindi niya alam because he refuses to acknowledge what i can do. he always had this standard for things that are to be considered impressive. apparently, painting isn't one of them. i guess he really does want me to ba corporate bitch. anyway, sinusubukan kong di na isipin yan kahit mejo naiiyak parin ako. alam ko namang hindi ito ang huling beses na sasabihin niya sakin ung mga pinagsasabi niya pero darating ang araw na maiisip niya na marami akong kayang gawin. i may not be the person that he wants me to be but i am happy i can do so much. malungkot lang ako because he does not give me the kind of recognition i deserve. this is the price i have to pay for having a super smart dad. maswerte kayo kung sinusuportahan ng magulang niyo ung mga gusto niyong gawin sa buhay. maswerte ako sa mama ko kase kahit gsto niya ako maging "president of the philippines" e tinanggap niya parin na gsto ko magadvertising. exagge lang ung president pero mag-e-hrm sana ako na gsto sana niya pero ok narin sha sa fine arts.

e yun anyway, bati na kami ni boyfriend kasi nagsorry na sha at nakapagusap na kami ng maayos. tapos niyakap niya ako ng mahigpit at maraming beses. tapos nung umiyak ako, pinahid niya luha ko. shempre diba ngayon naloloka ako kase akala ko kwarenta ko na mararanasan ung mga ganyan. in fairness naman, may hanky sha sa bulsa niya kaya ok. pero ansakit parin ng mata ko hanggang ngayon..



di ako takot sa physical pain. kahit suntukin mo ako ngayon, hindi ako iiyak. pero pag ininsulto mo na ako, babagsak ang luha ko.

(11:18 PM)



kasalukuyan akong naguupload ng posters namin sa net tungkol sa aming upcoming exhibit. magkita kita tayo dun!:D

e yun taenang yan wala pala kaming pasok ngayon. di naman ako naiinis kasi nakasama ko naman din si boy ngayon. naginuman kaming dalawa. ewan ako di ko naubos ang isang bote kasi di nako sanay. chaka ayoko atang malasing na magkasama kami.baka magimbal sha. lumalandi ako kapag lasing na ako hahaha. e yun oki lang, nakakatawa sha kasi nagkakainisan kami nung isang araw tapos bati na kami ulet. huwala lang. natutuwa ako kasi okay naman kami so far. no major fights which is, good. i think. hehe

i am so stressed. super. will paint tomorrow nalang because im so sleepy.

(12:14 AM)