Tuesday, March 11, 2008

sabi ng papa ko, tamad daw ako kase 9 am nako gumigising netong mga nakaraang araw. pero ako parin ang naghahanda ng agahan niya, naghuhugas ng pinagkainan niya at naghuhugas ng pinagkainan namin sa umaga tanghali at gabi. minsan nagsasaing din ako. pero tamad ako. kaya hindi din ako qualified to work under long hours sakaling may makuha akong trabaho.

minsan di ko makita yung logic dun sa sinasabi niyang tamad ako kase may ginagawa ako. late lang ako gumising these days kasi hirap akong matulog. 3am nako nakakatulog, minsan pa 5 na dahil di talaga ako makatulog. sha naman, kakain lang sa umaga, papasok sa trabaho, kakain ng hapunan sa gabi. at ako paren ang maghuhugas ng pinagkainan niya. pero tamad daw ako. minsan ung ulam na niluto ko, sha din naman ang kakain. pero tamad parin ako.

noon, napipikon ako pag sinasabi niyang tamad ako kase inaabot nako ng alas tres sa paggawa ng thesis ko. iniiyakan ko pa yun kasi di na nga talaga ako natutulog, sasabihan pakong tamad. parang yung efforts ko to finish my thesis is useless just because I WAKE UP LATE. may sense ba? di ko alam. sa kanya may sense yon.

i get his point about waking up early and being punctual because it's important to make it to school, work or to any commitment on time. i get that and i apply that in important situations. right now, i am taking a vacation from all the stress school has brought me and he thinks i should be awake by 6am. the best part is, he doesn't care whether i have nothing to do as long as i am awake by 6am.

o paro mas klaro. di ka tamad kapag gising ka na ng 6am araw-araw, kahit ang gagawin mo lang ay tumanga buong araw.


grabe ang sarap mabuhay. hehe. inis ako pero kung didibdibin ko rin lang, para lang din akong tanga.




spice lang sa araw, after 4 days, nagtext na sha ulet para makipag-ayos sakin..sabi ko, it will take some time, cliche na kung cliche.

(10:21 PM)