Thursday, February 21, 2008
"coz you made me stronger by breaking my heart."--regine velasquez
ang baduy nakakaloka. parang busy me lang hehe.
nakasakay ako sa kotse ng tito ko kanina at naisip kong, sa lahat ng panahon na maiisipan niyang mapagod sakin, ngayon pa kung kelan napakaraming gumugulo sa isip ko. pwede naman pagkatapos namin mag-1 year, o kaya naman pagkatapos ng graduation. it would've been more meaningful kasi pwede namang sabihin na "let's see if we'll really end up together, let's discover ourselves in the arms of other people first." mga ganung chaka lang. hinde, ngayon kung kelan ang leche ng pamilya ko (nadiskubre ko ang hirap maging showbiz. kunyari bati kayo pero deep inside pag-alis ng mga to magsasaksakan na tayo ulet.) tapos nalaman kong 3 lang pala nakuha ko sa thesis, kapareha nung kaklase kong bumagsak tapos pinagbigyan na pumasa. ok lang yung sa pamilya ko kasi bata palang ako alam ko na magulo kami chaka ilang beses nako pinapili kung kanino sasama. medyo di ko lang matanggap ung sa thesis. nainsulto ata ung pinag-aralan ko, yung pinaghirapan ko at iniyakan ko. ok lang siguro na si aizelle pinasa na sha at nakatres pa sha, pero kami ni asi na nakalusot at tlgang pumasa, tres din kami. ang mas masakit pa, si wow twenty thousand, 1.5 ang nakuha niya. pag hinatak ni sir ng .25 ung grade niya, 1.25 na sha. close to perfect, something she doesn't deserve to get for paying up para lang pumasa. it's bad enough na nagpagawa sha pero ung ipamukha niya kay asi na tres lang sha, ang kapal men.
anyway, mashado nang humaba ung parte na yan, ung point ko lang, di din siguro naintindihan ni panda kung gano kasakit sakin ung pinagdadaanan ko. siguro di niya tlga ko ganun kakilala na importante sakin ung mga ganyang bagay. i grew up living the life of an over achiever, i lost everything when i was in highschool, nawalan ako ng gana kasi kahit anong aral ko dati, kung di ako ung pinakamataas, di natutuwa ung nanay ko. kaya sakin, ung thesis na pinaghirapan ko, bigyan ng ganung grade na di ko naman deserve, ang sakit sakit lang. baka isipin niyo ang yabang ko, di ganun yun. kung ikaw mismo ung gumawa, u know what kind of grade you deserve. kung ako lang ang masusunod, sana naka 2.25 ako, o kaya 2.5. ok na yun, partida. wag lang talaga tres. masakit lang talaga. sana naintindihan niya yun. pero di bale na, it's too late to contemplate on what he should've felt when he said all those things to me. siguro eto narin ung test kung talaga meant kami. malungkot ako dahil bumitaw na sha, pero siguro kelngan ko din magpahinga kasi sa buong takbo nung relationship, i gave more than my share and the whole world knows that. chaka lately, ung mga away namin, madalas na. anyway, ok nalang. magkukuwento ko paunti unti hanggang di nako maapektohan, pero salamat din at tapos na ang thesis chaka kami nagkaganito.
salamat din sayo kasi naging masaya naman ako. sana ikaw din naging masaya ka kasi pinasaya naman kita sa abot ng makakaya ko.
(9:35 PM)