Thursday, February 28, 2008

kakauwi ko lamang mula sa eat all you can. naloka ako. grabe super busog na nakakasuka na. hehe sulit mag eat all you can kayo sa don hen at siguradong uuwi kayo na nasusuka sa dami ng makakain.

after sumunod ako kela mama sa omakase sa eastwood kasi anniversary nila ni papa. ako kumain ng mga latak nila hehe. grabe babangungutin ata ko ngayon gabi. kaloka. gagawa pako ng powerpoint mejo inaantok nako.

mejo masaya nako ngayong gabi kasi ang saya kasama nila feli. masaya din ako kase parang ok na ulet si mama at papa. di bale nang may mga nakakaasar sa buhay namin, basta ang importante sakin, kaming pamilya ok kami. di bale nang single nako ulet, basta buo pamilya ko.

masaya din pala ko kase nakarinig nako kay mat ulet. super namimiss ko na kasi sha. i can act like my usual self when im with him. di ko kailangan irestrain yung sarili ko because when im with him, i can just be stupid and he really wouldn't care. tatawanan lang niya ako pero hindi niya ako ikakahiya. sana makapag-isaw tayo minsan martin. hehe

mabait si god. kahit may mga sad moments ako ngayon, mga muntik nang maiyak, at least kahit papano nagkaroon ng mga rason para maging masaya.

imbyerna lang ako sa isang tao kase di ko mawari kung immature ba sha o ano. haha ang hilig magpasaring. basta nakakaasar, matanda pa naman sha sakin pero ung asta niya, parang high school. wala bwisit lang. nabother lang ako kasi napansin ko. di bale sha naman un kaaasaran ng iba di ako. iintindihin ko nalang.



haha ang sarap ng "boofalo chicken" hahahaha. busog talaga. i am a contented cow. :)

(10:44 PM)