Sunday, January 27, 2008
sabi ko di muna ko magsusulat hangga't di natatapos ang gawain pero wala kong magawa dahil mashado na tlga akong kabado these days.
kakagaling ko lang sa bandaid. ang talagang ipinunta ko don e yung imago, urbandub, sandwich at bloomfields sana pero di ko naabutan. anyho, ok naman kasi masaya kasama sila mikka. nakakatanggal ng stress. mejo bumalik na nung uuwi na kami.
my chest has been aching since yesterday. im trying not to freak out about it pero it's really starting to bother me. di naman continuous pero bumabalik balik. i already told my mom and dad about it pero wala naman silang sinasabi. napakadramaqueen pero nakakainis lang kasi dati nung nalaman nila ung kay ate julia na may health problems sha na di niya sinasabi sa magulang niya, gusto nila lagi kami magsabi kung may masakit samin tapos ngayon na sinasabi ko na, iniignore naman nila. they're probably going to notice when im choking to death. okay that's oa pero nakakainis lang kase mejo bothered na ako. anyway, pupunta nalang ako sa health service to have it checked since nobody is bothering to take notice of it, just like my thesis hardships which i am bearing alone.
may isang gabi na bigla nalang ako umiyak sa stress. ang stupid lang kasi di tlga ako iyakin pero anyway kala ko one night thing un. the next day, i was with boyfriend and we were doing something and i got upset at him, i cried immediately. basta ang weirdo tas ayaw tumigil ng luha and i just kept on sobbing for 5 minutes. mukha nakong tae. badtrip ang stress. ganto na ung nangyayari ngayon na stressed ako sa thesis, pucha pano pag magkakaanak nako, katapusan na ba ng mundo. ewan. minsan talaga sa buhay, di mo nalang talaga dapat pansinin ung mga nakakainis sa mundo at dapat ung mas importante nalang yung pansinin mo. di nalang ako magpapaapekto sa mga taong nabubuhay sa pinaghirapan ng iba.
pero sana may pera nalang ako para di ko mashado ginigipit ung thesis ko. kawawa naman ako, nahihiyang humingi ng pampaaralan. minsan iniisip ko, diba di naman ako dapat nahihiya humingi kasi pangschool naman. ewan ko, lately wala silang pera para sakin pero para sa ibang bagay meron. hay ewan.
minsan di ko alam kung kanino ako magkukwento. kase kahit kay boyfriend ko naman kinukuwento, lagi lang niya sinasabi na di niya alam yung gagawin niya. sa totoo lang, bwisit sha kase wala shang maioffer (kahit advice) at puro "sorry di ko talaga alam ang sasabihin" ang maririnig ko sakanya. ok lang, alam ko naman na mahal niya ako. di lang talaga sha ganon kaunderstanding pagdating sa ganon kasi buong buhay niya, sha lang pinaglaanan ng magulang niya. (ok lang boring naman wala shang kapatid hehe.bitter.)
tama na nga nag-aampalaya nanaman ako. matutulog nako dahil nagugutom lang tuloy ako.
isa ka pa. tumanda ka naman kahit konti. gaganda buhay mo pag umasta ka ng nasa lugar. kawawa naman, lagi tuloy kinakabahan. lahat nalang kase, maglagay ka naman kahit pisong utak lang.
(12:38 AM)