Sunday, March 30, 2008
mejo kahapon pako gumagawa ng portfolio ko. para kong tanga at di ako makuntento sa layout na ginawa ko. ewan ko kung baket mashado ko nageeffort sa paglelayout e puta ung gawa naman ung titignan hehe. ewan bahala na. di pa siguro tlga ko ready magtrabaho kase ang fickle ko pagdating sa ganyan. anyway, naisip ko lang ung prinsipyo ni allen sa paggawa ng layout. ung fonts dapat di paiba iba para malinis tignan. yak bobo e no walang sariling prinsipyo. naisip ko na din naman un kaya lang sadyang masayahin lang ako gumawa ng layout kaya madami akong ekek sa fonts. anyway gagawa nalang ako ulet bukas, ung mas professional looking. pero so far eto ung isa sa mga nagawa ko na nakakatawa lang ung ichura.
joke lang yang designs by gari pero ako naman tlga gumawa niya. ang chaka kasi nung logo ng grand boulevard parang tae lang. meron kasi ko ginawang mas ok jan e walang kwenta si maam hilario yan ung pinili. (what we feel is our best work is the one that never gets chosen. AMEN.) e yun ok lang naglagay nako kasi para malaman naman nila na kahit papano e may alam naman ako sa paggawa ng logo. ewan. ang crappy ko. mashado nako nabuburo sa bahay. ewan, praying for better ideas tomorrow. hehehe
ngayon ko na nararamdaman na ninang ako. wala lang taga-pag alaga ako kay baby girl ngayon. ok lang naman kasi nakakatuwa sha at nakakatawa at the same time. ang kyut kase ng ngipin niya tapos pag ngumingiti sha minsan, pilit tas ang asim ng ichura. ang kyut lang ang sarap papakin. nakakafulfill shang alagaan. katawa para naman akong nagpapractice. kumakatok ako sa kahoy na hindi mapa-aga ang mga ganitong pangyayari. masaya lang ako mag-alaga ng pamangkin ngayon.
mejo nakapagcompare nako. mas okay mag-alaga ng baby kesa sa bata. kase yung baby papakainin mo lang, paliliguan, patutulugin at patatawanin. chachagain mo lang yung sumpong pag masama ang gising o kaya inaantok. ung bata, pag makulit, maiinis ka lang. pag pakialamera sa gamit, mas lalong nakakainis. pag tanong ng tanong, nakakainis. pag nagpapapansin, nakakabuwisit. pag kinakain ung chichirya mo pati ung panda mo, nakakahighblood. pag pinagsasabihan mo, pinagagalitan at sinisigawan na at hindi sumusunod gusto mo na maglaslas. pero sa kabila niyan, maaawa ka paren kase marerealize mo na kaya sha ganyan e wala lang talagang nag-aalaga sa kanya sa bahay nila. walang magsasabi kung mali ung ginagawa niya at walang magsasaway sakanya pag di sha nagsasabi ng totoo. walang maghahanda ng pagkain niya at wala rin papansin sa kanya pag nagpapapansin sha. actually si sabel ung sinasabi ko, ung isa kong pamangkin. malambing sha, makulit nga lang at matigas ang ulo. si rico ang talaga bwisit sa kanya kase nung minsan na naglalakad sila bitbit ung dalawang kahon ng fern-c(vitamin c na concentrated na mainam sa sakit.nagpromote haha) hinarot si rico ni sabel kaya nalaglag sa kanal ung mga kahon. e ipadadala ung sa states kaya nagwala si mama. e yun ang batang si sabel, sinabi kay mama na kiniliti daw sha ni rico kaya gumanti sha na shang dahilan ng pagkalaglag ng fern-c sa kanal. yak nagkwento na. pasensya na wala akong magawa lately. anyway mula nung araw na yun, si rico, imbyerna na talaga kay sabel. katawa. ako naman kasi matitiis ko ung ganun kase bata un e. di ako pumapatol sa bata.(sa matanda nga di ako pumapatol e.minsan lang pag oa na.hehe) e yun. umuwi na si sabel nung isang araw. tumahimik na rin sa bahay namin. nakakarelieve na nakakalungkot kase umuwi sha ng di nakakapagenjoy ng todo bigay. sininghalan ko pa sa greenhills kase sa pagiikot namin, naiwan niya ung handbag niya(actually aken, maarte lang na bata gusto pa magdala wala naman laman mashado.) sa isa sa mga tindahan. sabi niya naiwan daw niya sa isa sa mga tindahan na may tinitgnan kaming damit ni mama. nako naputukan talaga ko ng ugat don, jusmeh naman 3/4 na ng mga tindahan ng damit nadaanan na namin at bawat tindahan may tintignan kami tas un pa ang sasabihin niya. anyway nakuha na namin ung bag kaya ok na. wala lang nakakamiss lang kase sha talaga ung baby girl ko. malaki na nga lang sha kaya si sofie na ang baby girl ko. im sure she understands kase malaki na naman sha e. wala lang. ang hectic ng mga linggo ko kahit sa bahay lang. para kong housewife, alas tres na nakapajama paren. o sha tutulog nako at magigising nanaman ako ng maaga bukas. hehe
di nako malungkot. ewan ko, wala lang panahon makaramdam. pero thank you kase ayoko na rin malungkot. :)
(11:39 PM)