Tuesday, February 05, 2008

grabe nung january 27 ako huling nagsulat pero pakiramdam ko isang dekada na. anak ng kamatis ang dami kasing ginagawa. sa totoo lang di pa sana ako magsusulat ngayon pero tlgang naiistress lamang ako. inaantok na kase ako, e may nagpapae-mail lang kaya nagsulat na rin ako.

would you believe, 10% nalang ang bubunuin ko sa thesis ko? at puro papers nalang. infairness naman e ready to print nako. alam ko narin na pang umaga ako sa thesis. di ko alam kung tlgang sasamahan ako ni panda kase shempre alangan naman na 7 palang andun na sha e wala naman shang aatupagin dun kundi ang salubungin ako ng kiss paglabas ng defense. hehe (feeling ko lang yun kase malamang un, tatapikin lang ako non sa braso. ayaw daw niya ng mga ganun, pda raw. utot. sige na nga kahit parang nakakatampo.) nakita ko na kanina na ang kasabay ko ay si powerade at si comic alley. pasensya na di ko kasi alam mga pangalan nila. im really terrible when it comes to names. basta un, sila ang mga kasabay ko.

kanina nagmock defense kami. ok lang nakakatawa kasi di naman na ako mashadong kinabahan kahit na sa lower batch kami nagdefend. haha malamang un inokray nila ung gawa ko. pero merong mahadera na nakaupo don sa harap na nagcomment ng pagkalakas lakas tungkol lang dun sa isang lightbulb sa aking ad. eto ung ad na yun:

pasensya at maliit. di ko natancha e haha.

ewan ko ba don sa mahaderang yun kung bakit sa lahat naman ng maicocomment niya e yun pa e wala naman kinalaman. bwisit nagpabibo lang. sana sa concept niya ako tinira kase mas useful sakin ung ganung info. sabihin ba raw na, "pwede bang palitan yung ilaw?! kase parang hindi ilaw." sabihin ko sana, "tanga, baket ano akala mo sa ilaw na yan, roll on na nakabaliktad?" tapos meron pang nagcomment, eto ok naman sha kasi sa layout pero para kay sir e out of place parin ung tanong, obviously bibo itong batang ito kase di lang ako ang tinanong niya. ang tanong naman niya, "diba may principle na kapag ang headline mo straight, dapat ung image mo e naka-angle or nakaperspective? and vice versa. bakit di mo inapply sa ads mo?" e yun hehe mejo nablanko nako don kase ndi ko naman alam na may principle eklaboo tungkol dun. hehe pero sige sasagutin ko na sana pero biglang sumingit si sir at sumagot para sakin. parang sana di na niya ako sinalba kase mamaya isipin nanaman nila e favorite nanaman ako. pero binara sha ni sir. parang sabi skanya, "ano ba yan wala namang kinalaman ung tanong mo sa ad niya e. wala na bang tanong jan?" e yun. ok na rin. pero gsto ko pa magpractice baka sakaling di na tlga ko mahiya sa mismong defense.

tulog na kagad si panda. di ko nga magets bakit e. mas ngarag naman ako. siguro ung system ko nasanay na sa ganitong oras. sige na nga. ok lang sakin.

ako'y matutulog na nga. ay ang aga infairness. hehehe:P


i love you panda!:D

(11:37 PM)