Sunday, November 16, 2008

nagluto ako today after a very long time. ang niluto ko ay chicken kiev. or at least my version of it hehehe. e un mejo disaster sha kase matrabaho gawin at shempre nagkalat ako ng limpak limpak but it tasted kinda good so ok narin. i miss cooking so much. cooking again is like getting in touch with my inner being. ewan ko. feeling ko kase destined ako maging chef. it just so happened na may art skills din ako. yabang hehe.

matagal tagal din akong di nagsulat kase wala namang fantastic na nangyayari sa buhay ko. well except ung mga billboard na ginawa ko na nakadisplay na all over the philippines hehe. im so proud kase dugo't pawis un. seryoso. ilang gabi ako ginagabi sa trabaho dahil dun. ang dami dami nung ginawa ko sa madagascar nakalimutan kong may buhay pa pala ako hehe. anyway, ngayon mejo ok na naman ako kase lumalabas nako ulet chaka wala pa mashadong trabaho sa office. this week palang darating ung mga bagong project.

meron akong madaming tanong. eto sila: stagnant na din ba ung buhay ko? magkakabalikan ba kami?(bakit feeling ko may 60-40% chance) mag-ggrow ba ako sa trabaho ko ngayon? yayaman ba talaga ako? kelan kaya ako makakatanggi sa shopping? magiging continuous habit na kaya ang pagpapawax ko sa parlor? mapapatay kaya ang character ni christine reyes sa kahit isang saglit? bakit lagi ko pang pinpigil ang ihi ko e katabi lang naman ng kwarto ko ung banyo? basta andami pa hehe. next time na ung iba. ciao!

(8:30 PM)