Wednesday, May 28, 2008
wala akong maisip ititle. pag naisip ko lang ung dubai, trabaho ang naiisip ko, chaka gold HAHAHA.
mejo matagal din ako di nagbalita sa buhay ko pero wala naman akong kelngan balitaan. magrereflect lang ako ngayon. last week naginterview ako sa creative gateway inc, ang advertising department ng mcdonald's philippines. Ang ganda ng tinakbo ng interview at ng exam. nag-enjoy ako, although di ko alam kung pumasa ako o hinde. isa yun sa mga interview ko na feeling ko i was being myself, mukhang pera and all hahahaha. tapos kasundo ko ung magiging boss ko. i like the atmosphere and the kind of work, and also the pay hehe although walang exact figures. i was just assuming that it would be a lot bigger than what im getting now because the guy said i was getting way too small than what i should be getting. and i actually thought i was getting paid well, pero no biggie kase masaya naman ako sa trabaho and my workmates are great. even my boss,(pinoy boss hehe) is great. anyway, am hoping to hear from mcdo soon. tomorrow meron naman ako sa focus global, distributor ng coleman, dmc and subzero. maganda ung company but i have to see what kind of work i will be doing there if ever. kabado ako kase parang seryosong company sha. im just hoping i don't suck tomorrow hehe. thank god for the blessings.
i just remembered na nireject pala ko ng focus global when i applied for their internship program. but now they're inviting me for an interview for the graphic artist position. weird.
(8:59 PM)
some people experience the monday blues. unfortunately, Im not one of them. ako yung nakakaranas ng tuesday, wednesday (hopefully wag pati thursday) blues.
Yesterday, I was at the pink fence waiting for a ride. When I finally got on a jeep, I sat immediately, following my instinct to sit on the empty space. nung paakyat ako, an old man motioned me to sit beside him. seeing that it was an empty space, umupo ako. As the jeep started to move, nakaamoy ako ng basura. It was the man sitting beside me, the same man who motioned me to go to that empty space beside him. I figured na basurero sha kasi he was dirty all over and he was wearing tattered clothes. Naging bearable yung amoy because I was literally sticking my head out of the window. Nung una di ko matiis because i was sitting straight. nung di ko na matiis, i sat sideways. when finally the other person beside me went down, I immediately moved away from the man. Nung bumaba na yung mama, I saw the spot where he sat, there was grayish liquid on it. Naisip ko na katas un ng basura. Nung bumaba ako sa highway, nakita ko, may mantsa ung blouse ko. badrip. inis na inis ako to the point na kahit sa loob ng train, i hated the woman sitting in front of me. May katwiran ako. she was being a pain. (hellur.Sha na nga ung nakaupo, sha pa ung maarte.) anyway, nung makarating ako sa office, I was still pissed. Sino bang di maiinis, kaliligo mo lang amoy basura ka na. tapos nakaputi ka pa namantsahan ung suot mo katas pa ng basura. Tapos nung nalabhan ko na at ok nako, chaka ko lang naisip na kawawa naman ung matanda. Apparently, no one wanted to sit beside him that was why there was an empty space beside him. Joke pa ni ms weng. kung mamamatay na ung mama na un nung araw na un, ako lang ako nakatabi nia, ang swerte naman nia. hehe. e yon di nako mashadong badtrip. yung inis ko, naging sympathy na.
kanina, papasok ako ulet sa office, may babaeng nauna sakin sa saksakan ng mrt ka. pagkapasok niya, di niya ininda na papasok ako, tinamaan nia ako ng bakal sa hita. umaray ako, tumingin lang sha sakin at ngumisi tas dagling pumasok sa train kasama yung shota niya. walang sorry. pagkapasok ko ng card ko, umiika nako sa sakit nung tama sakin. gusto kong murahin yung babae. nabadtrip nanaman ako kase bastos sha. o ano inis o sympathy? tangina sha, inis lang naramdaman ko.
tapos ngayon meron ako.
i therefor conclude na hormones lang ito.
pero kakaramahin yung babaeng yun kase di sha marunong magsorry. sinasawing palad ang mga ganon. salamat mama tinuruan mo ko magsorry. iiwan siguro sha ng shota niya ahahaha.:P joke lang.
(8:34 PM)