Wednesday, April 02, 2008
nung minsan na tanungin ako ng nanay ko kung anong grad gift ang gusto ko, sabi ko gusto ko umalis kaming dalawa at pumunta kami ng singapore, bangkok o china. tapos bumili sila ng kotse dahil immediate need daw yun. walang nag-aamplaya lang siguro ako kase gusto ko talaga umalis. naramdaman ko lang kanina na kelangan ko na ulet ng change of environment.
siguro kase nagkita nanaman kami ulet. naiinis ako dun sa irony na normal na kami ulet magtext, (kahit sha ung nagtetext sakin) pero sa personal di kami nagpapansinan. ako ung may problema kasi may dahilan na hindi ko alam kung bakit kaya di ko sha magawang pansinin. ewan, may kurot lang siguro kase. pero nakakatawa na sumesenyas sha kay nikki kanina na nagkalapit kami ng pwesto sa upuan. buti nalang nung practice lang yun...
the feeling is not like it used to be but it doesn't really go away, it just changes. from pain to sadness. from sadness to hatred. it's all the same because we all long for the day we get over people and we get over pain. life is a bitch pero screw it dahil kelangan magmove on kahit ayaw mo.
i need to be normal and so does he. sana maging normal na ang turingan namin ulet. i don't long for the day we get over our love. i pray for the day we can co-exist, be friends like we were before without the break-up feeling. gusto ko masaya kami at di namin mararamdaman na naging kami dati at may mga maling nangyari. un nalang siguro gusto ko.
happy ang graduation ko. ehehe di na ako malungkot!:D
(11:07 PM)