Tuesday, December 04, 2007
nag-away nanaman kami kanina dala ng pag-init ng ulo niya sa pag-aantay sakin. sa totoo lang, inis na inis na din ako nun. mejo nakapagtimpi lang ako kasi masaya yung mga kasama ko. oo nahihiya ako sa kanya na matagal shang nag-antay pero di niya ako kelangan murahin. nakakainis lang. nakita pa nila em, yaks. (sorry ganyan talaga kami mag-away. petty at madalas. kiddie size e. hehe)
sa totoo lang irita parin ako pero ayoko na isipin yun. nangangalabit na sha sa fx kanina pero sa inis ko tinalikuran ko lang sha. e naburat ata sa kaartehan ko ung isang pasahero, lumipat sa harap. hehe. excuse me, kung naiinggit sha, pasensya sha. magshota sha nang malaman niya na pati ang pag-aantay ng matagal e pinag-aawayan din. yun lang naman.
ay nako, magpatawad ka naman, lagi nalang nag-iinit ang ulo mo.
(9:26 PM)
i think i sprained my toe. tumatakbo ako papunta sa phone tapos sumabit sa tsinelas ung paa ko. i can't explain how it happened but it just did. mejo masakit na sha ngayon. tae. im afraid na pag binasa ko e lolobo ung daliri ko. ngark.
"i miss you."
sinabi lang niya siguro yun kasi he felt that he needed to. nakakatawa yung relasyon namin. para kaming laging nagkakahiyaan. when he asks what time my class is, feeling ko gusto niya ako dumaan sa dorm niya bago ako pumasok kaya tatanong ko naman kung "bakit?". tapos sasabihin lang niya, "ok,wala lang." tapos minsan naman tatanong ko kung anong oras class niya pagkasagot niya, sasabihin ko lang "ok." pero ang gusto ko naman marinig e, "kumain naman tayo." o kaya "daan ka muna dito bago ka umuwi." pero "ok." lang tlga ung isasagot niya. kaya ayoko ng text e. feeling ko kase pag yung mga sagot na ganyan, walang emosyon. kaya di ko malaman kung talagang gusto niya akong dumaan don o hindi. minsan ayoko nalang isipin kung ano ibig niyang sabihin kasi nabubuang lang ako.(wops teka ung milo ko malamig na.) tapos maiisip ko lang din na kaya naman niya ako pinapupunta kase may kailangan sha sakin. --sa totoo lang yung mga ganyang rationalization di dapat naiisip pag may boypren ka kasi obligado ka naman gawin yung mga bagay na yan kase kayo e. (eww ang tanda ko na.) sa mga ganitong panahon namimiss ko na si pam kase ineexplain niya sakin kung bakit ganyan ang mga bagay bagay.
busy lang din siguro yun sa thesis niya. naiintindihan ko naman e. mas mahirap yung kanya in the sense na mas marami gagawin. it's easier to defend though because he has so much to bank on. di katulad ko, pag boljak na yung concept ko, wala na, it's the end for me. ok lang yun, as long as he's working on his thesis and not on another girl, i really don't mind not seeing him for a while. haha stupid trust issues.
on the lighter side of this weeks events, nakaisip nako ng tagline para sa thesis ko. di ko na irereveal at baka mabaduyan lang kayo ng todo todo. sa lahat naman kasi ng naisip ko un ung pinaka-appropriate. it's not exactly shocking and impressive but it sounds good to me. at least pwede nako magmove forward, pag naapprove na ni sir son hehe. nagshopping narin ako ng bread sticks para sa picapica ng exhibit namin. alangya yan, bread sticks at fita lang naka P195 nako. anak ng kamote, ganyan na ba kataas ang bilihin ngayon? kung alam ko lang e sana ako nalang ang gumawa ng bread sticks. e yun, nasimulan ko narin ung 3rd painting ko. actually sa mata ko e 75% done na sha. mga details nalang ang kulang. the joy of oil painting hehe. e yun naexcite ako. sana maging successful ang aming exhibit. wuhuhu.:D
sige ako'y kakain lang sandali nang makagawa ng something productive.
i miss you too and i mean it.
(9:28 AM)