Saturday, August 09, 2008
hindi ako nagsusulat ngayon kase birthday niya.
hindi din ako nagsusulat ngayon kase malungkot ako.
mas lalong hindi ako nagsusulat ngayon kase nanood kami ng "a very special love" kanina...
ang totoo gusto ko lang magkwento tungkol sa recent events sa buhay ko. haha yak wala lang. ang dami na kase ang tagal ko narin di nag-update sa sarili ko. anyway, eto ang mga nangyari sa akin after ng sommelier.
sa friday, matatanggap ko na ang aking unang sahod sa katauhan ng atm card ko. shet ang tamis ng tagumpay, may atm na ako. hehe nakakadiri, feeling ko grown-up nako. gumawa na din kasi ako ng una kong purchase nung sunday last week na mejo pang-adult na ang feel kase 6 months to pay yun. oo bumili na ako ng phone na bago na ako ang magbabayad in a span of 6 months. di naman kalakihan ang babayaran ko pero feeling ko, responsibility na sha. madalas kasi hand me downs ang nakukuha ko o kaya naman binibili lang ako ng nanay ko. feeling ko lang, you need to have a sense of responsibility when you make these kinds of purchases kasi kelangan mo nang magmanage ng pera mo para mabayaran mo yung monthly. nakakatawa lang kase biglaan sha pero prepared naman ako.
work is also ok. at first, i really found it hard to adjust to the environment and the people because of my hangover with sommelier. shempre it's different seeing new faces all of a sudden, feeling mo lost ka kase wala ung mga familiar faces at wala ding transition from sommelier to cgi kasi right after sommelier, go na kagad sa cgi. anyway, i think i have adjusted to my new environment. i may not know all of them yet pero i have had conversations with some of them already. yung mga kadepartment ko, chums na kami. medyo nakakain na din ako ng tama. minsan nga gusto ko na sumama dun sa mga kasama ko sa department pag-inaaya na nila ako kumain pero out of courtesy for my new friend, i still eat with her.
my boss is also ok but it takes a little understanding to realize that he's actually really nice. he just has this intimidating aura but he seems like a nice person, like a kuya who likes teasing his younger siblings. or at least that's what i think. pero so far, ok naman sha sakin. he's very straight forward when it comes to telling you what you have done wrong. mejo kapaan parin pero i guess ok naman kami. in general, work is really ok because i don't do too much work. overtime lang naman because most of the JO's come late in the afternoon and it's usually the rush stuff. i really don't mind just as long as the OTs don't last til the wee hours of the morning. good pay naman din at may bigas pa. baon system nalang din ako para tipid hehe.
eto yung itsybitsy detail, meron akong crush sa work. yak oo garutay ako e. un nga lang, may shota na sha kaya secret ko nalang kung sino yun. hehe basta mabait sha, matipuno at mabango. hehe basta mabait talaga sha kaya ko sha crush. e yun lang naman hahaha.
---
napanood ko na ang "a very special love." di nako magkukuwento kase madami nang nakapanood at malamang huli nako hahaha. basta na-in love ako lalo kay john lloyd. takte kung magpapabuntis rin lang ako sa kanya nalang hwahahahahaha. i love you john lloyd!:P
---
birthday niya ngayon. yun lang hehe.
(6:52 PM)