Tuesday, April 01, 2008
sa totoo lang... di pako tapos magsulat
sa totoo lang... masakit parin ang ulo ko
sa totoo lang... di parin ako over kahit di nako malungkot
sa totoo lang... excited nakong mag-eat all you can bukas
sa totoo lang... miss ko na ang dayucdocs
sa totoo lang... pagod ako ngayon pero masayang masaya ako. :)
sabi na nga ba may garibahaghari pagkatapos ng bagyo. hehe. wala lang masaya lang ako ngayon dahil sa maraming bagay. ewan ko lang yung mga pagong ko kung masaya sila kase tamad akong magpalit ng tubig, bumubula nanaman hehe.
nagpaderma na ako kanina after a year. oo after a year talaga kasi last summer pa ako huling nagpafacial. narealize ko na napakagastos magmaintain ng kutis. nagtaas na ung presyo ng sabon ko sa mukha kasi dati 90 lang yun, ngayon 150 na. OA naman si doc 60% increase un a. pero ung mga astringent ganun parin naman. share na nga lang kami ni rico kasi mahal na talaga. para kong tanga ung pagpprick sa mukha ko sobrang tiniis ko. pero ok lang naman hehehe. nakakaluha lang.
kahit pala bano ang sistema sa cfad, pasalamat parin talaga ko sakanila kase kahit papano e mukhang umaangat naman ang art skills ko. pati na rin ang computer skills ko. pinagmamasdan ko kasi ung mga gawa ko dati, mukha silang tae. ngayon mejo ok na hehehe. e yun gumagawa kasi ako ng portfolio ko. tinatapos ko lang para mailagay ko na sa aking online portfolio. tapos baka ipaprint ko na rin kase parang gusto akong ipasok ni eugene sa trabaho niya. mejo chaka lang ung starting pay kaya nakakaalangan. haha ung totoo below minimum sha kaya parang ayoko talaga pero kelngan ko na ng experience, SOON. hehehe
sige na ako'y magaaral na ulet magflash. watch me grow!
(8:23 PM)
i am posting this based on experience. unang-una thank you for those people who blogged about this "networking scam" kasi kung di dahil sa kanila e baka nagpunta nako. anyway, pag may tumawag na sa inyong may address na ganito:
15th floor octagon building san miguel avenue pasig city
isipin niyo na kagad na networking yan. They call people and use this approach wherein they appear to be hiring people. bobolahin ka pa na they chose you because you come from a good etc and they ask you to come in business attire to make it appear like a job interview. A certain Armond Santos called me yesterday to tell me he got my number from a survey i answered and that i was one of a few he called because their company was looking for people from UP, Ateneo, UST and Lasalle. Other than that, he mentioned making 15-30k a month and that their company was US-based. basta persuasive sha. anyway, nagcommit ako, thinking that it was a job offer pero dahil di ko narinig fully ung nature ng job (which he really did not say, bingi lang pala tlga ako hehe) tinext ko ung tumawag sakin to text me the details again para masabi ko sa magulang ko. dahil di sha nagreply, i decided to google the address thinking it would lead me to the company's website. to my surprise, they were really not looking for people on their team but people to invest in their networking gimmick. ayun, thank you na lang sa mga nabasa ko di na ako nagpunta dun ngayon. tapos nagtext pa sha ulet kanina asking if i was still coming to the business meeting. sabi ko nalang thank you im not interested. nakapagcommit na rin ako sa iba. he asked if i wished to reschedule the meeting, sabi ko nalang, no need. hayun hehe.
ipopost ko ung number para additional information lang dun sa mga posibleng tawagan netong Armond Santos na ito. it's 0905-2670623. Very business-like ang dating niya kaya nakakadeceive. e yun lamang. :)
(6:49 PM)