Monday, March 03, 2008
andaming nangyari nung saturday. fortunately the party still pushed through. kahit malungkot ako, i still have a lot to be thankful for. napasaya namin si mama at okay naman na si rico. mejo malungkot lang kasi umuwi na si lola at si tita annie.
mejo maraming beses ko nang sinabi na maraming rason kung bakit malungkot ako this past few weeks. kahit maraming bagay din na dapat ikasaya, meron talagang mga bagay na nakakalungkot lang na di mo lang mapapalampas. bwisit lang kasi parang rollercoaster...
anyway, tita annie and lola left for australia today. nalungkot ako kasi si lola ayaw bumalik dun. dati nasabi ko na na di ko mashado type si lola mai kasi ang favorite niya si rico. sorry pero maldita ako sa ganyan and i have this thing against favoritism. dati kasi favorite ako dahil biba ako. when all the biba-ness faded, narealize ko ang crappy pag hindi na ikaw ung favorite. e yun, these past few days i spent with lola mai, parang natutuwa ako sa kanya kasi pag nakikita ko sha, lagi ko sha kinikiss. ung excitement niya pag kinikiss namin sha, hindi nagbabago. kung gano sha kaexcited, ganun lagi. nakakatuwa lang kasi ang sarap lambingin. sabik lang din tlga ko sa lola. the last time i saw lola mai, i think it was four years ago. e yun lang. nalungkot ako kase 90 na sha and she has to travel all the way back to australia when in fact dapat nandito nalang sha sa piling ng mga anak niya. si tita annie din kawawa lang kasi wala shang anak. boyfriend lang sha ng boyfriend kaya yung pagkasabik niya alagaan si sofie, OA talaga. hehe di ko na mahawakan. pero nakakatuwa lang din. sayang sana nagtagal pa sila. pero miss ko na sila kagad, lalo na si lola.
the boyfriend thing, it's officially over. last saturday after picking up the flowers i ordered from dangwa, i passed by his dorm to pick up my stuff. nung kinuha ko pala ung flowers, i don't know why but i just bought him a flower, a pink gerbera. then i walked to his dorm carrying all the flowers i bought. umaambon pa nun at wala akong umbrella. i texted him that i was waiting downstairs tas un binuksan na niya yung gate. yung ichura niya, mejo distraught. tinanong lang niya kung ano yung dala ko at para saan. inexplain ko naman tas binigay niya lang sakin ung gamit ko. tinanong niya kung yun na yun lahat. um-oo naman ako. tas bago ko umalis, inabot ko sa kanya yung flower. ayaw pa niya sana tanggapin kasi di niya nagets kung bakit. sabi ko lang, wala lang yun. tas bago ko umalis, tinanong niya kung galit ako. sabi ko hinde, masama lang loob ko. e parang naiiyak nako, inunahan ko nalang na uuwi nako. tas lumakad nako ng mabilis kasi ngangawa na talaga ako. tas un na sumakay nako ng taxi. on my way home, nagtetext kami. basta mahabang usapan pero ang ending, di ko sha mapagbigyan na maging friends kami, as in normal friends. i asked him not to contact me until im okay and have moved on. nakakalungkot kasi ayaw niya din ng ganun. gusto ko na ganun nalang kasi ung magiging friends kami, di kami masasanay na wala ang isa't isa and that's not healthy kasi im sure, kung pano kami nung kami, it's going to be the same kahit wala na kami kasi magkasama kami. kelangan magdraw ng line kung hanggang saan ang pwede. dati kasi nung nagbreak kami, kiniss niya ako. (wag na tayo magplastikan shempre ung kiss na "kiss". ) e yun, ayoko lang na may ganung mangyari. ganun sha e. he likes crossing the line. anyway, ung last na text ko sa kanya ang sabi ko: "ok na yan. masasanay din tayo. last na last na text na to. ingat ka lagi panda." sumagot parin sha kesho tinawag ko pa shang panda, naluha daw tuloy sha. ngayon di ko na tlga alam kung ano na nangyari sa kanya. binura ko na yung number niya sa phonebook ko. crappy talaga kasi memorize ko. pero ok na yun, at least i can't find him there.
ngayon kung may iba na sha, mas maganda na wala na talaga akong balita sa kanya. oo malungkot talaga ako pero wala akong magagawa. maybe things didn't turn out the way we wanted it to for a purpose. sometimes, we have to end relationships to learn life's lessons. i'm still upset about what happened and i cried it out already. im glad mikka was there. nagulat din sha kase ngayon lang niya ako nakitang umiyak ng ganun. i really didn't take it very well and i don't think i will for a while pero ok lang yun kasi alam ko gigising nalang ako at mapapagod at magiging masaya nalang ulet. kung talagang kami, siguro naman one day, magkikita kami ulet e. e yun. ang panget lang din talaga ng feeling kasi kunyari tatawa at tatawa kami nila feli tas biglang pag tapos ang tawanan, balik nanaman ako sa gloomy state ko.
i find it funny that the sky was as gloomy as i am.
(9:02 PM)