Monday, February 18, 2008

let me recount last weeks long list of events.

-tapos na ang aking defense and i passed, not with flying colors but i am extremely happy and grateful. the only thing that dampens my spirit is the fact that some people close to me did not make it.

-si boyfriend din tapos na ang defense at pumasa na sha. im so happy for him. all our hardwork has paid of.

-nakuha na din namin ang gradpic namin. hehe parang ako lang ang masaya sa picture ko. chaka ko na ipopost. or baka hindi na. nashy ako hehe.

-first valentines namin ni boyfriend na kami tapos di namin nacelebrate kasi defense niya nung araw na iyon. nagdate nalang kami kinabukasan at nanood kami ng jumper. di mashadong masaya yung date kasi may nangyari sa aming pamilya na sadyang kinalungkot ko. parang 50% of the whole date, i spent crying.

-si baby andito na ulet. bundle of joy. :)

-dumating si tito nick at binigyan niya ako ng ipod nanovid bilang gradgift. hehe di ko naman tlga hinihingi yun kasi may muvo slim naman ako pero masaya narin ako. sa totoo lang, si boyfriend ang gusto bumili non pero ako una nagkaroon. hehe im happy. kumakain lang ito ng tanga. sobra.

-kanina lang ay nagmodel ako for the first time in history. di naman sha ung model na open to the public. nagmodel lang ako ng damit ng friend ni peco na nagthesis ng fashion. kala ko chika lang un, for show lang. kaloka nagrampa kami sa isang classroom na super haba. nahiya ako kase baka mamaya e walang tumili. hehe buti nalang andon sila peco pati si mark at miko para humiyaw. hehe tumaas ang adrenaline ko.

-nalulungkot ako na di pumasa si antunilo sa defense niya. pati si alfie. sobrang nalungkot lang ako. kasi malapit sila sakin...sana may nkalaan na magandang bagay para sakanila. i do hope those people who deserve to be in their places experience extreme hell. that person should not get recognition for work that she claims she did pero nagbayad lang sha ng taga-gawa. to hell with you for telling anton na ganyan tlga ang buhay at kung kailangan nia ng tulong ng gagawa sha daw bahala. e tangina ka, di lahat ng tao magbabayad para pumasa. nako naasar nanaman tuloy ako.

----000----

relationship wise, pwede narin. our relationship is not exactly as blissful as i want it to be. there are still things that i want to happen but it seems like it's never going to happen. we still fight about the same things and he still has ways that he simply cannot change.(ako din) minsan feeling ko dapat nalang ako masanay na di sha sweet sa paraan na gusto ko, at di rin sha kasing maalalahanin tulad ng inaasahan ko. nakakadisappoint pero siguro ganun lang talaga. naiinis din ako pag sinisigawan niya ako. ilang beses nako nagalit at ilang beses na din sha nagsorry but he doesn't seem to learn. narealize ko, you can't change a person unless he wants to. minsan kahit di ako naniniwala sa sorry niya, dahil mahal ko lang sha, umo-okay narin. madami nga talaga akong gusto pero siguro ok nalang din kasi ok naman kami. sana minsan maramdaman ko naman na kailngan niya ako pag masaya sha o kapag malungkot sha. di lang yung pag kailngan niya ng tulong. hehe. e yun lang naman. naisip ko lang kasi dahil nung valentines, bitin ako sa pag-ibig. un lang hehe.

o sha. may gusto lang akong gawin. horayt, hokey.

(10:07 PM)