Monday, January 15, 2007

mahaba-habang gabi to. i can just feel it.

so many things lined up to do.(install cs2, glue canvass cloth, draw designs, think of concepts, download music, stalk people, etc.) it's going to be a long night, gotta go and find something to keep me company...hay. ang sarap mag-pc ngayon, anak ng tinapa ang bilis ng computer...saraaaaaap. :)

---

it's the first time someone told me i was becoming indifferent. ewan ko. not that i haven't heard of that word. shempre narinig ko na yon duh. anyway, wala lang, ngayon lang ako naging ganito ka-uncaring. i don't know. maybe because i got sick of caring. labo no. wala lang. naisip ko lang, if i can't make you(nag-gegeneralize nako, gago ako e.) like me, then i can't do anything about it anymore. i can live with it. ewan ko, pucha basta parang sobrang wala lang talaga akong pakialam ngayon. im sick of having to please people who are extremely hard to please. crap, if i can't live up to your expectations, i don't care. you might as well go to hell. (sa totoo lang wala tlga akong kaaway.nabuburat lang ako kase ngayon ko lang naisip na wala na nga talaga akong mashadong pakialam ngayon. lalo na don sa lalakeng un na nakaka-turn on pag bagong ligo.)

---

i've been wanting to write about this for days pero dahil sa dami ng ginagawa ko, i didn't have the time to do it. anyway, i just remembered dahil i had this conversation with a friend about why i have this issue with people doing things or probably favors in particular, for me. wala lang, it's just a part of my "im an independent woman psycho thinking". ewan ko. im just not comfortable with people doing things for me. wala lang, i just think i can do things myself, why should i ask someone else or let someone else do it for me?

ayoko kasi nung feeling na umaasa ako sa iba. ayokong ayoko na parang nafifeel ko na mahina ako. ewan bangag tlga ako pero ganun talaga. pag ako malungkot, sinasarili ko lang. ayoko rin ng umiiyak ako o na may nakakakitang umiiyak ako. iiyak ako pag mag-isa ako pero ayokong ayoko na umiiyak sa iba. ayoko talaga. sign ng kahinaan yun para sakin. im sure people don't understand why i think this way. kung alam niyo lang kung anong pakiramdam mabuhay sa pamilya na katulad ng akin, maiintindihan niyo kung bakit kelangan ko maging matibay.

matiisin akong tao. nakuha ko siguro sa nanay ko yun. pero, arogante din ako, na nakuha ko naman sa tatay ko. i have to be matiisin even when it comes to my emotions because if i let these emotions affect me, it will be hard for me to get through my day normally. minsan kahit inis na inis nako, di nalang ako kumikibo kasi alam kong walang magagawa yung inis ko. sobrang kakaganyan ko, nagbuburst nalang ako bigla dun sa mga maliliit na bagay na di na dapat kainisan. minsan gusto ko lang maging normal, pero sa maikling panahon na nabuhay ako, sa gantong paraan nako nasanay. kahit nung bata ako, kahit ayaw ko na yung mga pinagagawa saken, gagawin ko parin yon kasi kelangan at ayoko masabi na di ko gagawin dahil di ko kaya gawin. ewan gago rin nga talaga ako kase gusto ko kakayanin ko lahat. gusto ko nga diba maging super human ako. (tulad ngayon, may gagong nangyayari sa pagiinstall ko ng cs2 pero ayoko tawagin ung kuya ko kase gusto ko to gawin mag-isa. oo mabubulok talaga ko sa kakaganito ko.) ewan ko. siguro balang araw matuto rin ako magpakumbaba at hihingi din ako ng ng tulong. well humihingi naman ako ng tulong minsan, pero un ay pag sobrang sigurado nako kung di ko tlga kayang gawin. labo e no. gusto ko lang isipin to kase parang tinotopak nanaman ako.

baket ba kase kelangan independent woman ako?

(9:29 PM)